G1P0

(anghel ng luha)

Sa galit
ng iyong kadugo
Kapahamakan
ang sinapit
kasabay
ng luha’t
kabiguan
ika’y namaalam

Malupit
ang mundo
tulad ng Inang
api’t
katapangan
lang sagot
hagulhol gitna’t
luhod hirap…

paalam anghel
patawad luhaan
sayong palisay
sa ina mo’y
kalungkutan
ang hatid.

Anghel
san ka man
patungo
diyon
di na luluha…

In pace requiestat

[July 2006 | Afternoon Robosa Hospital]

Published in: on July 27, 2006 at 3:53 am Comments (0)

Pasyente

(Muling Pagalala)

Nakaupo’t tulala
… kalungkutan
isipa’y malayo

Ale,kumusta?
batid and hinagpis
sa katapangan
ayos lang…ngiti
at kwentuhan
Ale,Ale
huwag ikagalit
ano po inyong
karamdaman?
sagot batid hina
hinagpis
sa munting anghel
sabay patak luha

Nakamasid
nakaupo’t tulala
… kalungkutan
Isipan kay layo

[July 2006 | Morning]

Published in: on July 10, 2006 at 10:43 pm Comments (0)

Ako

(Sa kutya ng buhay)

Akoy tulad ng talang malimlim
nariyan subalit di mapansin
tuldok sa gabing madilim…
ihambing sa simoy ng hangin
tahimik, di makita’t malamig
dito tanda’y dahon dinggin…
pilak sa kaban ng ginto
sa baul na tawag nati’y buhay
estranghero’t di santo…
mayroong
mga matang patay matalas
minsan bulag sa katotohan
tanong kulang malimit bawas…
mayroong
paniniwalang di sa karamihan
di tanyag ngunit misteryo
ng tao’t mga kaibigan…
nariyan
ang mga dambana ng salita
sa aking tinggin ay bumubuo
sa buhay kong tulad ng madla…

[Unknown Date 1st Half 2006 | Friendster About me]

Published in: on July 5, 2006 at 2:02 pm Comments (0)

Kaibigan

(Sa lahat)

masdan mo ang bituin
sa gabi ng karimlan
piliin ma’t bilangin
dami’y di maabot
bituin mo’y maningning
maliwanag nagpapaalala
subalit ako’y di iyong
dyamanteng tinatahak
hanap ko’y manlalayag
may lawak ng pagiisip
karunungan kanya’y binyag
di magunlantang
san man mapunta
maasahang ina-abang
mananakop ng karagatan
ako’y iyong kaibigan
malimlim man
bagkus maasahan
bituin
sa bagyong
dala’y kalungkutan
hangin
na dirinig
ng hinagpis
halika
kaibigan
halika, halika

[Unknown Date 1st Half 2006 | Friendster Who I Want to Meet]

Published in: on at 2:00 pm Comments (0)