Ang Espasyo sayong mga Daliri

(munting silip ng liwanag)

    Sa lahat ng salitang nadinig mo sakin, maaring pagdududa ang laging nasa isip. Ako bay totoo o nagtatago sa mala maskarang kong mga kwento. Ako may humiling na paniwalaan sa bawat nilahad, iyo parin ang pagdududa. Subalit ano man aking sinulat’nilahad, sa bawat titik ay tunay na bloke ng aking pagkatao, buhay at damdamin.
    Kung ako may muling tanungin… kung bakit ikaw?
    Mayroong ilang libong paraan upang sabihin sayong ikaw ay napupusuan.
    Ng gabing iyon, sa mga salitang.
    "Sa mga bagay bagay ay di lahat kailangan nagiisa, sa bawat relasyon, ano man ito, tulad ng mga daliri sila ay nagtutulungan pumulot, sumulat at mangarap. Heto ang mga espasyo sa iyong mga daliri tulad ng akin ay maaring kulang, maituturing na isang kalahati. Minsan ako’y nangarap kumapit sa isang kamay na akala ko’y para sakin, bumuo kami ng pangarap, ngunit sa kasawiang palad namaalam ang aking kalahati. Ano mang nais maabot hiling maratingm, kailangan ng isang katuwang. Aanhin mo nga naman ang solong katanyagan, ang mga gintong nalikom ng tagumpay kung di rin lang ito maiaalay sa iba, sa minamahal.
    Heto ang iyong mga daliri, pag-silay binukas palad mo ay mayroong malaking espasyo, hayaan mong sa sandaling ito ay aking punuan (sabayan ng paghawak sa iyong kamay)
    Heto nga ba ang nawawalang kalahati
    ang tutulung para abutin ang bawat isa
    ang tatamasa ng anumangmagawa ng aking mga kamay, ng aking pinaghirapan
    Ito nga ba ay para sa akin
    and sandalin ito, ito bay totoo
    ikaw nga ba ay para sa akin
    Bakit ka dumating?
    maari bang hindi ito para aking angkinin
    pero salamat
    dahil nalaman kong buhay parin ang aking pangarap
    na mayroong isang tulad mo sa isang buhay

    (ang hindi mo narinig, ang hindi ko nasambit)
    na sana ikw yon
    na sanay ikaw ang bubuo saking pagkatao
    na ako ang bubuo sa pagkatao mo
    na sanay ikay nakilala ng maaga
    na totoo ang sandaling ito
    na ikaw at ako
    magkahawak hanggang bukas, sumunod
    magpakailanman………………

[August 20, 2007 | Evening]

Published in: on August 20, 2007 at 9:42 pm Comments (0)

Feast of a hundred Candlelights

The light has already been lit
like flowing water
the flames crept away
consuming everyone on its path
giving warm tears, and joy.

You who stand before it
your candle shine before you
will you face another day
will you pass the flame
to the other person
holding a candle behind you..

[August 6, 2007 | Morning]

Published in: on August 6, 2007 at 7:20 am Comments (0)